Ang pag-ibig ay isang napakagandang bagay na dapat nating lahat maranasan. Ngunit hindi lahat ng pag-ibig ay masaya at madali. May mga aral din tayong dapat matutunan sa pag-ibig, lalo na kung nasaktan na tayo o nagkamali.
Narito ang ilang mga bagay na dapat mong matutunan sa pag-ibig:
- "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
- "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
- "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
- "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
- "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
- "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din." (haha!)
- "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
- "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
- "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."
- "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
- "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
- "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
- "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
- "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
- "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
- “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”
- “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
- "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
- "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."
- Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
- "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka..
- Huwag kang magmahal ng sobra. Mahalin mo ang iyong sarili at ang iyong mga pangarap. Hindi ka dapat mawalan ng pagkatao dahil sa pag-ibig. Alagaan mo ang iyong kalusugan, kaibigan, at pamilya. Hindi mo kailangan ng isang tao para maging kumpleto.
- Huwag kang magpaka-tanga. Kung alam mong hindi ka mahal o ginagamit ka lang, huwag kang magpakatanga at magpaka-martyr. Magkaroon ka ng dignidad at respeto sa sarili. Matuto kang lumayo sa mga taong hindi ka nirerespeto o pinapahalagahan.
- Huwag kang matakot magmahal muli. Kung nasaktan ka man sa nakaraan, huwag kang matakot magmahal muli. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho. May mga taong handang mahalin ka ng totoo at tapat. Huwag kang magsara sa posibilidad na makahanap ng tunay na pag-ibig.
- Huwag kang maging mapusok. Kung nakahanap ka na ng taong mahal mo, huwag kang maging mapusok at magmadali sa mga desisyon. Kilalanin mo muna ang iyong kapareha at alamin ang inyong mga pagkakaiba at pagkakatulad. Magkaroon kayo ng komunikasyon at tiwala sa isa't isa. Huwag mong ibigay ang lahat agad-agad.
- Huwag kang mawalan ng pag-asa. Kung hindi pa dumadating ang iyong the one, huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi mo kailangan maghanap o magmadali. Darating din ang tamang tao para sa iyo sa tamang panahon at lugar. Habang hinihintay mo siya, mag-enjoy ka muna sa buhay at gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo.
Ang pag-ibig ay isang biyaya na dapat nating ipagpasalamat at pangalagaan. May mga aral din tayong dapat matutunan sa pag-ibig upang mas maging masaya at matatag tayo sa buhay.