Sa totoo lang, hindi naman ako tambay dahil gusto ko. Tambay ako dahil wala akong choice. Hindi ako makahanap ng trabaho na swak sa skills at qualifications ko. Hindi rin ako makapag-aral dahil kulang ang budget. Hindi rin ako makapag-volunteer dahil baka masayang lang ang oras at effort ko.
Pero hindi naman ako nagrereklamo. Masaya naman ako sa buhay ko. May mga kaibigan akong tambay din na kasama ko sa araw-araw na paglalakwatsa. Kasa-kasama ko tumabay sa may kanto. Mag kwentuhan ng kung ano-ano, madalas walang kabuluhan. May mga libangan din akong nakakapagpasaya sa akin, tulad ng paglalaro ng video games, pagbabasa ng comics, at panonood ng Netflix.
Ang problema lang ay ang mga tao sa paligid ko. Hindi nila maintindihan ang aking lifestyle. Lagi nilang sinasabi na sayang ang buhay ko, na dapat akong maghanap ng trabaho, na dapat akong magkaroon ng ambisyon. Hindi nila alam na mas masaya akong ganito kaysa sa magtrabaho sa isang boring at stressful na opisina.
Masarap kaya maging tambay, yan ang hindi nila maintindihan.
Yung tipong habang nasa labas ka nakatambay ang iisipin mo lang ay "Nakuluto na kaya sila bahay, ano kaya ulam?", hindi yung "Saan kaya ako kukuha ng makakain mamaya?"
Yung tipong habang naasa labas ka nakatambay ang iisipin mo lang ay "Ano na kaya oras, parang ang sarap matulog muna"", hindi yung "Kailan ko kaya matatapos tong trabaho ko, puyat na lang ako lagi."
Isa pa, hindi naman ako pabigat sa lipunan. Hindi ako nanghihingi ng pera sa iba. Hindi ako nagnanakaw o gumagawa ng krimen. Hindi ako nakakaabala sa ibang tao. Ang gusto ko lang ay mamuhay ng payapa at masaya.
Kaya nga minsan, naiisip ko na sana lahat ng tao ay maging tambay na lang din. Para wala nang problema sa mundo. Para wala nang giyera, polusyon, korapsyon, at diskriminasyon. Para wala nang stress, pressure, at depression. Para wala nang away, inggit, at galit.
Pero alam kong hindi mangyayari iyon. Kaya hangga't may mga tao pa ring nagtatrabaho at nag-aaral, hangga't may mga tao pa ring may mga pangarap at plano sa buhay, hangga't may mga tao pa ring hindi kuntento sa kung ano ang meron sila, hindi ako titigil sa pagiging tambay.
Ang sarap maging tambay. Yung walang kang iniisip, kundi sarili mo. Yung tipong pagtulog mo sa gabi, ang huling tanong mo sa sarili mo ay "Ano kaya ang magandang gawin bukas?" Hindi yung "Ano kaya ang gagawin ko para makatulog ngayon?"
Ang sarap maging tambay. Yung habang naglalakad pa papunta sa kanto para tumambay eh nag iisip ka na "Sino ang pag-uusapan naming kapitbahay ngayon?", hindi yung "Saan kaya ako maghahanap ng mauutangan pambayad ng kuryente namin?"
Hays… sobrang sarap talagang maging tambay.